Market vendors, dapat maging SSS members – Poe

Muling iginiit ni Senadora Grace Poe sa mga pamahalaang lokal na tulungan ang mga natitinda sa iba’t ibang palengke na isasapribado na maging miyembro ng Social Security System (SSS).

Isa sa mga pangunahing nagsulong ng SSS rationalization act, hiniling ni Poe sa mga local government unit (LGUs) na tulungan ang maliliit na vendor na makakuha ng puwesto o stall sa pagsasapribado ng mga pamahalaang lokal sa mga palengke.

Idinagdag ni Poe, laging nanguguna sa nakaraang walong survey pangunahin ang Social Weather Station at Pulse Asia, na dapat tulungan ng LGUs ang mga nagtitinda sa iba’t ibang palengke na maging miyembro ang mga ito ng SSS.

“They can enroll directly to the SSS as self-employed workers, a cooperative, or through their barangay leaders, They can pay P5 or P10 a day,” sabi ni Poe tungkol sa market vendors. “The benefits and coverage should include everyone and not only those in offices.”