Sen. Grace Poe, No. 1 pa rin sa SWS survey

Muling nanguna si Senador Grace Poe sa pinakabagong senatorial survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), apat na buwan bago idaos ang local at national elections sa Mayo 13.

Nakakuha si Poe ng 64 porsiyento (%) sa mga tinanong samantalang nasa ikalawang puwesto si Sen. Cynthia Villar na may natamong 57%, sumunod naman sa kanila ang kapwa nagbabalik sa Senado na sina dating senador Lito Lapid (44%) at Taguig City Rep. Pia Cayetano (43%).

Malaki naman ang inilundag sa dating nabibilang sa laylayan ng mga ­survey na patas kay Sen. Sonny Angara sa ikalima at ikaanim na puwesto na si dating Special Assistant to the President Bong Go sa nakuha nilang tig-41%.

Sumunod si Sen. Nancy Binay (39%) habang statistically tied naman ang mga dati ring senador na sina Sen. Mar Roxas (38%) at Ramon “Bong” Revilla Jr. (38%) sa ikawalo at ikasiyam na puwesto.

Kinumpleto naman nina Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III sa ika-10 puwesto (36%); Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV (33%) sa pang-11 at dating senador Jinggoy Estrada (31%) ang pagpasok sa Magic 12.

Isinagawa ang nasabing survey ng SWS simula Enero 23 hanggang 26.