Facebook ban sa pro-Duterte websites, ikinagalak ni Robredo

Masayang tinanggap ni Bise Presidente Leni Robredo ang pagbabawal ng Facebook sa lokal na kompanyang nasa likuran ng mga kahina-hinalang social media accounts na kilala sa mga kuwestiyonableng artikulong pumapabor kay Pangulong Rodrigo Duterte at malisyosong umaatake sa kanyang mga kritiko.

“This is huge, like a gift to the people,” sabi ni Robredo sa kanyang lingguhang radio program BISErbisyong Leni nitong Linggo.

Subalit sinabi niyang dapat ipagpatuloy ng Facebook ang kanilang mga aksiyon dahil libo-libo aniyang fake troll accounts ang hindi pa rin naisasara.

“It’s not for me, but for the whole Philippines that it’s OK to criticize, as long as the basis of criticism is true,” sabi ni Robredo.

Binanggit ni Robredo ang dalawang Facebook page na Filipino Channel Online at Trending News Portal na pawang pinatatakbo ng Twinmark Media Enterprises Inc.

“They run fake news against opposition figures with me as their number one target. These are like groups of troll farms, who gang up on people who oppose the figures they support through fake news or outright harassment. Many have been bullied online just for airing their opinion,” pahayag ni Robredo.

Kasama sa mga kuwestiyonableng gawain ng Twinmark ang mga planado at hindi totoong gawain, paggamit ng fake accounts, pagdala sa mga tao sa ad farms at pagbebenta ng access sa mga Facebook page upang artipisyal na madagdagan ang distribusyon at makalikom ng ganansiya.