Road Board wawasakin ng Bicam

Nakahanda na ang bicameral conference committee ng Mababang Kapulungan para sa nalalapit nilang pakikipagtalakayan sa mga senador upang burahin nang lubusan ang Road Board sa pagsisimula ng sesyon ng Kongreso sa Enero 14.

“In concurrence with the President’s wishes, the House will designate the members of our contingent to the bicameral conference committee on our first session day this year,” pahayag ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr.

Ginawa ni Andaya ang pahayag matapos bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bayang lubog sa baha sa Bicol kung saan mahigit 100 katao ang nasawi sa pagbayo ng bagyong Usman noong Disyembre.

“The President has made it clear on how he wants the Road Board abolition done. During his visit to calamity areas in Bicol, he spelled out the need to use proceeds of the road user’s tax or the motor vehicle user’s charge (MVUC) in helping calamity victims,” dagdag pa ng mambabatas mula Camarines Sur.

Nilinaw din ng majority floor leader na susunod sila sa lubos na abolisyon ng Road Board kagaya ng hiling ng Pangulo.

“He wants total road board abolition, not fake abolition. The utilization of MVUC is the complete opposite of what the President wants. This makes the proposed bicameral conference committee on the bill more urgent and indispensable,” sabi ni Andaya.

Nais din aniya ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na huwag lamang parang ipapasa ang kapangyarihan ng Road Board sa tatlong kalihim ng Public Works and Highways, Transportation at ng Environment and Natural Resources.

Iginiit pa ni Andaya na gusto ng Mababang Kapulungan ang detalyadong gastusin na makikita ng taumbayan dahil tutugon sila sa kahilingan ng Pangulo na lumikha ng bersiyong tunay na gigiba sa Road Board at lilitaw nang totoo ang halaga ng koleksiyon ng MVUC.