Ni ARIEL DIM. BORLONGAN
“Ang problemang ito ay isa sa mga dahilan na nagtulak sa amin sa Magdalo na magprotesta laban sa gobyerno. Nakakadismaya na tila nangyayari muli ito ngayon,” ani Alejano.
Maghahain ang mambabatas ng resolusyon para sa agaran at komprehensibong imbestigasyon sa posibleng ilegal na pagbebenta ng military firearms at bala sa mga terorista.
Iginiit niya na naging problema na ito sa military kaya dapat nang tapusin ang korupsyon sa Armed Forces of the Philippines sa pagpapatupad ng long-term policies at reporma sa sistema.
“Talagang magiging mahirap na matalo natin ang mga terorista kung may traydor mismo sa ating hanay,” diin ni Alejano. “Ang kapalit ng ganid na iilan ay buhay mismo ng ating kasundaluhan. Huwag naman sanang bala pa ng AFP ang papatay sa ating mga sundalo,”