Pagdala sa 1 kampana ng Balanggiga sa National Museum, pinalagan ng obispo

Dapat manatili ang tatlong kampana ng Balangiga sa karapat-dapat na lokasyon nitong Church of St. Lawrence, Deacon and Martyr sa Eastern Samar.

Ayon sa mga Obispo at clergy ng Diocese of Borongan, na may hurisdiksiyon sa Balangiga, Eastern Samar, hindi sila pumapayag sa panukalang dalhin ang isa sa makasaysayang kampana sa National Museum.

“The Balangiga Bells are sacramentals, that is, they are also sacred artifacts that call the faithful to prayer and worship. But they especially call them to the sacrament of the Holy Eucharist, the highest form of prayer and worship for Catholics,” ayon sa pahayag ng diocese.

Idinagdag pa ng diocese na dapat nasa simbahan ang mga kampana, hindi sa isang museum at nakasisira aniya ang Senate Resolution 965 na panukala ni Senador Juan Miguel Zubiri sa kasaysayan at kahalagahan ng Balangiga bells.

“But just as we do not transfer Jose Rizal’s family mementos from the Rizal residence in Calamba to Manila, nor do we move from Kawit, Cavite the artifacts of the First Philippine Republic, neither should we transfer any or all of the Balangiga Bells from their historical and rightful location,” ayon pa sa opisyal na kalatas.

Naniniwala rin ang diocese na kawalang paggalang sa kasaysayan at karapatan ng mga Katoliko sa Eastern Samar ang paglipat ng anumang kampana na kanilang pag-aari.

“The Balangiga Encounter at which the bells played a role happened in Balangiga. It is only right that they be returned to Balangiga and stay in Balangiga,” sabi pa ng diocese ng Borangan.

Sa ilalim ng Senate Resolution 965, sinuhestiyon ni Zubiri na dalhin sa National Museum ang isang kampana ng Balangiga upang mas medaling mapuntahan ng mga Filipino.

Sinabi pa ni Zubiri na mas mainam ito para sa mga estudyanteng sumasama sa field trip sa National Museum kada taon.

Dumating noong Martes ang mga kampana ng Balangiga sa Villamor Air Base sa Pasay City sakay ng US Air Force C-130. Opisyal itong ibibigay sa mga opisyales ng bayan ng Balangiga sa Sabado.